Ang kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas:
Inaprubahan ng 1986 Constitutional Commission noong Oktubre 12, 1986, ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas ay iniharap kay Pangulong Corazon C. Aquino noong Oktubre 15, 1986. Ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng plebisito noong Pebrero 2, 1987 at idineklarang ganap na ipinatutupad noong Pebrero 11, 1987.
